PNP Chief Dela Rosa, iginiit na hindi pagpapawalang sala ang muling pagbabalik trabaho ng grupo ni Supt. Marcos

Manila, Philippines – Hindi impunity o pagpapawalang sala ang pagbabalik trabaho ng grupo nina Supt. Marvin Marcos at sa labing sIyam na kasama pa niya.

Ito ang binigyan diin ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Aniya naresolba na ang kasong administratibo ng mga ito kaya nagdesisyon na silang ibalik na sila sa trabaho.


Sa ngayon aniya ang kanyang marching order sa grupo nina Marcos ay magtrabaho ng mabuti at ipakita na sila ay matitinong pulis

Iginiit pa ni General Bato na hindi lang siya ang nagdesisyon sa pagbabalik sa trabaho ng mga pulis na ito, na una nang isinasangkot sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ito aniya ay pinag-aralan at inimbistigahan ng PNP-IAS.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments