PNP Chief Dela Rosa, inatasang imbestigahan ang posibleng sabotahe sa war on drugs ng administrasyon

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong grupo na sumasabotahe sa Philippine National Police (PNP) na posibleng dahilan ng mga magkakasunod na pagkakapatay sa mga binatilyo sa Caloocan City partikular sina Car Angelo Arnaiz at Kian delos Santos.

Kaya naman inatasan na ni Pangulong Duterte si PNP Chief Director General Ronald Bato dela Rosa na imbestigahan ang posibleng pananabotahe sa war against illegal drugs ng kanyang administrasyon.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na kamag-anak niya si Carl Angelo Arnaiz at hindi siya papayag na patayin ng pulis ang kanyang kamag-anak.


Nabatid na taga-Maasin, Leyte ang magulang ni Carl Angelo Arnaiz at kamag-anak ng Pangulo sa panig ng mga Roa.

Facebook Comments