MANILA – Handa na ang pambansang pulisya na tiyakin ang seguridad ng publikoSa pagsalubong ng bagong taon.Kasabay nito, binalaan ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na ang sinumang mapapatunayang nagpabaya sa kanyang tungkulin ay masisibak sa pwesto.Sa press briefing sa campo crame, binanggit ni Dela Rosa na target ng PNP ang zero casualty sa kaso ng illegal discharge of firearms at indiscriminate firing.Ayon kay Dela Rosa, oras na may mamatay sa indiscriminate firing at kapag hindi nahuli ang suspek sa loob ng 24-oras ay ipapatupad niya ang two strike policy kung saan unang sisibakin sa pwesto ang chief of police ng lugar na nasasakupan ng insidente.Nanawagan naman ito sa kanilang hanay na dapat na ipakita ng mga ito sa publiko na sila ay responsable sa paggamit ng kanilang service firearms.
Pnp Chief Dela Rosa – May Babala Sa Mga Mapapatunayang Nagpabaya Sa Kanilang Tungkulin Ngayong Pagsalubong Sa Bagong Tao
Facebook Comments