PNP Chief Dela Rosa, nanindigang walang nagyaring inside job sa Resorts World Manila incident

Manila, Philippines – Nanindigan si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na walang inside job sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila kamakailan kung saan 38 ang nasawi kabilang ang gunman na si Jessie Carlos.

Sa pagdinig ng Kamara kanina, sinabi ni PNP chief na nag-iisa lang si Carlos nang pumasok ito sa casino base na rin sa inisyal nilang imbestigasyon.

Kasabay nito, isinalaysay din ni Dela Rosa kung paanong nagpakamatay ang gunman.


Naghugas kamay naman si Dela Rosa sa pagkwestyon sa kanya kung bakit noong una ay sinasabi nitong walang nasawi sa Resorts World Incident.

Paliwanag nito, base sa kanilang initial findings ay tanging ang gunman lang ang patay sa insidente at lahat ng biktima ay nakalabas na base na rin sa ipinarating na impormasyon ng mga security sa nasa loob ng casino.

Inamin din ni Dela Rosa na ang focus ng kanilang pagpunta sa lugar ng insidente ay ang banta na dala ng gunman at hindi sa rescue ng mga biktima.
DZXL558

Facebook Comments