Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa na matatanggal sa serbisyo ang naarestong police colonel sa isang pot session sa Las Piñas City.
Ayon kay Dela Rosa – kasong administratibo at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kahaharapin ni Supt. Lito Cabamongan.
Dagdag pa ni Dela Rosa – kapag nagpositibo si Cabamongan sa droga ay sasampahan din ito ng grave misconduct.
Wala aniya silang pinipili na ranggo na kanilang aarestuhin lalo kung sangkot ito sa iligal na droga.
Iginiit naman ni Cabamongan na nasa surveillance operation siya nang mahuli at may direktiba siya sa mga opisyal ng PNP Crime Laboratory.
Tugon naman dito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – malabo ang palusot ng pulis na suspek.
Iginiit ng PNP na walang karapatang mag-operate laban sa illegal drugs si Cabamongan dahil hindi siya miyembro ng anumang Anti-Illegal Drug Unit ng PNP.