PNP Chief dinalaw si Sen. Leila De Lima sa kanyang kulungan

35

MANILA, PHILIPPINES – Personal na binisita ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa si Sen. Leila De Lima sa kanyang kulong sa PNP Custodial Center.

 

Sinabi ni Dela Rosa na sa unang gabi o noong Biyernes ng gabi ay pinuntahan niya mismo si Sen. De Lima sa kanyang kulungan at inalam ang sitwasyon nito

 

Pero, bago ito ay nagpaalam muna siya sa senadora kung maari niya itong madalaw at pumayag naman ito

 

Sa kanilang pag-uusap sinabi ni PNP Chief kay De Lima na ligtas ito sa loob ng kulungan at walang dapat na ipangamba

 

Tinanong pa ng PNP Chief si De Lima kung ok lang sa kanya ang amoy ng kanyang selda dahil bagong pintura ito at may hika ang senadora pero wala naman daw itong problema.



 

Facebook Comments