Dating Bureau of Correction Chief Rafael Ragos – ikukulong sa NBI Detention Facility

19

MANILA, PHILIPPINES – Pansamantalang ikukulong sa NBI detention facility si dating Bureau of Corrections (BUCOR) OIC Rafael Ragos.

 

Sa inilabas na commitment order ni Muntinlupa City Regional Trial Court branch 204 judge Juanita Guerrero – ipinag-utos nito ang pananatili ni ragos sa NBI jail habang wala pang pinal na hatol sa kaso nito.

 

Nahaharap ang dating BUCOR Chief sa drug cases, kung saan co-accused nito nina Sen. Leila De Lima at Ronnie Dayan.

 

Isa si Ragos sa umano’y inabutan ng pera mula sa bilibid inmates para sa campaign fund ni De Lima, bagay na kanila na ring itinanggi.

 

Pasado alas-8:00 kanina nang muling iharap ang dating BUCOR OIC sa Muntinlupa RTC para sa return or warrant na inilabas ng hukom noong Huwebes ng hapon.


Facebook Comments