Tulak sa iligal na droga patay sa engkwentro sa Q.C.

Nag-tapos ang buhay ng isang tulak umano ng shabu makaraang makaengkwentro ng mg otoridad  sa Central Avenue Barangay UP Campus Quezon City matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Anonas Police Station QCPD.

Ang engkwentro ay nag-ugat matapos maaresto ang isang Renato Manicio sa buy-bust operation kaninang alas dos y media ng madaling araw.

Matapos masukol at makuha kay Mauricio ang nasa sampung gramo ng shabu Itinuro niya ang source ng iligal na droga na si alyas Eddie at tinawagan ito.


Pinapunta ni Manicio malapit sa gasolinahan si alyas Eddie para sana kumuha ng iligal na droga.

Ayon sa Anonas Police, nakahalata si alyas Eddie na may kasamang mga pulis si Manicio at nang makasalubong nila ito bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Tumakbo umano si alyas Eddie habang nagpapaputok kaya nagkaroon ng habulan sa Central Avenue.

Dead on the spot si alyas eddie.

Nakuha sa kanya ang isang baril.

Facebook Comments