PNP chief Gamboa, pinangunahan ang pagsira sa mga kinumpiskang video karera machines

Manila, Philippines – Pinangunahan ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang pagsira sa mga nakumpiskang video karera machines sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal sa Quezon City.

Gamit ang maso, pinagwawasak ni PNP chief Gamboa kasama si QCPD Director PBGen. Ronnie Montejo ang nasa limamput anim na pirasong video karera machine.

Isa itong anyo ng sugal na maihahalintulad sa karera ng kabayo na ang gamit ay mga arcade machine.


Ito ay resulta ng pinaigting na kampanya ng labindalawang police station ng QCPD kontra illegal gambling operations sa lungsod.

Sa naturang mga operasyon, nakakumpiska rin ng mga paraphernalia at bet money na nagkakahalaga ng P15,363.00

Umapela sa publiko si PNP chief sa publiko na huwag tangkilikin ang anumang uri ng sugal upang makatulong sa pagpapanatili ng kalagayang pangkaayusan sa komunidad.

Facebook Comments