Inihayag ng Actiong Spokesman Police Major General Benigno Durana Jr. na may mga galos pero walang tinamong bali sa katawan si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Archie Gamboa at iba pang nandito sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.
Ito ang inihayag sa press conference ni Police Major General Benigno Durana Jr., ang Director for Police Community Relations group kaugnay ng helicopter crash sa Laguna kung saan sakay si PNP Chief General Archie Gamboa at pitong iba pa.
Dakong alas-onse kanina nang dumating dito sa St. Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig ang hepe ng Pambansang Pulisya at lima na iba pa kabilang na si Police Brigadier General Bernard Banac, ang hepe ng PNP-Public Information Office (PNP-PIO).
Ayon kay Major General Durana, safe lahat at minor injuries lamang o pamamaga sa kamay ang tinamo si General Gamboa habang sa galos sa mukha naman ang tinamo ni Police Brigadier General Bernard Banac.
Dalawa na lamang ang naiiwan pa sa hospital sa Laguna at ang banggit ni General Durana ay nasa critical condition si General Magaway at Ramos.
Paulit-ulit ang pasasalamat ni General Durana sa mga residente at mga tauhan ng PNP sa Laguna na nagtulung-tulong para mailigtas ang walong sakay ng chopper.
Humihingi ng panalangin si General Durana sa publiko para sa complete recovery ng lahat nang nasaktan sa pagbagsak ng chopper.
‘Yong dalawa pang opisyal na nasa hospital sa Laguna ay ililipat din sa ibang mga hospital kapag maayos na ang kundisyon.
May mga daanan na hindi pwede sa mga sasakyan at laan lamang sa mga tauhan ng PNP na papasok sa St. Luke’s Hospital.