CAAP, dumistansya sa imbestigasyon ng pagbagsak ng chopper na sinasakyan ng PNP Officials

Dumistansya muna ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa imbestigasyon kaugnay ng pagbagsak ng helicopter kung saan sakay si Philippine National Police Chief General Archie Gamboa at ilan pang police officials.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, hindi saklaw ng CAAP ang imbestigasyon sa aircraft na pag-aari ng PNP.

Civilian Aircraft lang, aniya, ang hawak ng CAAP at obligasyon nilang imbestigahan kapag ito’y nagkaaberya sa himpapawid.


Sa kabila nito, tutulong lamang aniya sila sa imbestigasyon kung hihilingin ng PNP.

Facebook Comments