PNP Chief General Guillermo Eleazar, walang planong tumakbo sa ngayon sa national election.

Nilinaw ni Philippine National Police Chief Director General Guillermo Eleazar na sa ngayon ay wala umano siyang balak na tumakbo sa pagkasenador o anumang posisyon sa darating na national election.

Ang pahayag ay ginawa ni Eleazar matapos ang isinagawa nitong inspeksyon sa mga pulis na nagbabantay sa labas ng Sofitel hotel.

Ayon kay Eleazar, tututukan muna nito ang Pambansang Pulisya lalo na ngayong darating na halalan upang mapanatili ang kaayusn at katahimikan sa eleksyon.


Paliwanag ng PNP chief prayoridad niya sa ngayon ang PNP na mabantayan ang lahat ng mga kapulisan kung natutupad ba nila ang kanilang mga trabaho na bantayan kung nasusunod ang ipinatutupad na social distancing sa pagpa-file ng mga nagbabalak kumandidato ngayong darating na halalan.

Facebook Comments