PNP Chief Guillermo Eleazar, iminungkahing paigtingin pa ng gobyerno ang vaccination information campaign

Dapat mas paigtingin pa ng pamahalaan ang mga vaccination information campaign para mahikayat ang publiko na magpabakuna.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga ayaw magpaturok.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Eleazar na alam nilang kulang pa ang supply ng bakuna natin ngayon kung kaya’t kinakailangan munang palakasin natin ang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccines.


Naniniwala rin si Eleazar na maraming tao ang gustong magpabakuna kung kaya’t tama lamang ang ginagawang walk-in vaccination ng mga Local Government Units.

Facebook Comments