COVID-19 restriction sa Switzerland, luluwagan na sa kabila ng banta ng Delta variant

Sa kabila ng banta ng Delta variant ay nakatakdang magluwag sa COVID-19 restrictions ang Switzerland simula sa Sabado, Hunyo 26.

Ayon sa kanilang Health Minister na si Alain Berset, naging maayos ang pagkontrol ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Panahon na rin aniya upang magsimula nang bumangon ang kanilang bansa mula sa naging epekto nito lalo na’t karamihan sa mga residente ay nabakunahan na ng COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech at Moderna.


Sa kasalukuyan ay mayroong 699,155 na kaso ng COVID-19 ang Switzerland habang 10,273 naman ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments