Manila, Philippines – Hindi pabor si PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa sa recommendation ni House Speaker Pantaleon Alvarez na palawigin hanggang limang taon ang idineklarang martial law sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief kung siya ang tatanungin sapat na ang 60 days extension ng martial law.
At ito rin aniya ang kanilang napag-usapan ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni General Bato, masyadong matagal ang limang taon kaya posibleng hindi ito magugustuhan o matatangap ng publiko.
Pero nakadepende raw sa situation sa Marawi ang mga mangyayari sa susunod na araw.
Ngunit, sa huli iginiit niya na kung siya tatanungin sapat na ang 60 days extension ng batas militar sa Mindanao.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558