PNP Chief Marbil, hindi kuntento sa trabaho ni AKG Chief Ragay kaya sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto si Anti-Kidnapping Group (AKG) Director PBGen. Elmer Ragay matapos mawalan ng kumpiyansa sa kanya si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, hindi satisfied si Marbil sa naging pamumuno ni Ragay, lalo na sa paghawak nito ng sunod-sunod na kidnapping cases na kinasasangkutan ng Chinese nationals.

Kabilang sa mga kontrobersyal na kaso na hinawakan ni Ragay ay ang kaso ng Chinese businessman na dinukot at natagpuang patay sa Rizal at ang pagdukot sa estudyante sa Taguig noong Pebrero.


Agad namang itinalaga si Col. David Poklay bilang bagong hepe ng AKG na dating pinuno ng Directorial Staff ng Criminal Investigation and Detection Group.

Facebook Comments