PNP Chief Marbil, inatasan ang mga police commander na bumaba sa mga komunidad ilang araw bago maghalalan

Pinasisiguro ni Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil na magiging maayos at mapayapa ang nalalapit na 2025 midterm elections.

Kasunod nito, inatasan ni Marbil ang mga Police commander na bumaba sa mga komunidad 3 araw bago ang halalan.

Ani Marbil, ang pagiging neutral ng mga pulis ang susi sa matagumpay na eleksyon batay na rin sa survey ng kanilang Police Community Relations.

Ayon kay Marbil, dapat ay makaboto nang walang takot ang mga botante at matiyak na sila ay protektado.

Sa pagbaba ng mga commander, masasawata ang vote buying at matitiyak ang eleksyon na may integridad at payapa mula sa anumang banta.

Facebook Comments