
Nagbigay ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na magsagawa ng agaran at impartial investigation hinggil sa nangyaring insidente sa Taguig City na kinasangkutan ng ilang pulis.
Ayon kay Gen. Marbil, nananatiling committed ang Pambansang Pulisya sa pagtataguyod ng pinakamataas na pamantayan ng disiplina at propesyonalismo sa kanilang hanay kung saan kaniyang tiniyak na mananagot ang sinumang pulis na lumabag sa mga operational procedures at karapatang pantao.
Kabilang sa maaaring kaharaping kaso ng mga sangkot na pulis ay administrative charges gaya ng pagkakatanggal sa serbisyo, pagbaba ng ranggo o suspensyon at posible ring maharap sa kasong kriminal.
Matatandaang tinanggal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa puwesto ang 10 na sangkot na pulis matapos na pumasok sa bahay na may tindahan sa Taguig City para isilbi umano ang search warrant laban sa babae na nakasuhan noon hinggil sa iligal na droga.