Mga kandidatong senador, hinamon na isapubliko ang kanilang posisyon sa VP Sara impeachment

Hinamon ng ilang miyembro ng House Young Guns ang mga kandidato sa pagka-senador na ilahad na sa publiko ang kanilang posisyon kaugnay sa kinakaharap na impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City, mahalagang mabatid ng publiko ang kanilang paninindigan sa isyu ng transparency, accountability at maingat na paggamit sa pondo ng bayan.

Sabi ni Zamora, kailangang makita agad ng mga botante kung paano magdedesisyon ang mga kandidato sa pagka-senador laban sa mga lumalabag sa Konstitusyon sa pamamagitan ng pag-abuso sa pera ng taumbayan.


Diin naman ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, ang impeachment case laban sa bise presidente ay isang election issue dahil siguradong hindi lang ibabase ng mamamayang Pilipino ang pagboto sa popularidad o personalidad ng mga kandidato.

Facebook Comments