PNP Chief Marbil, nagbanta laban sa mga magtatangkang manggulo sa nalalapit na halalan

Mahigpit ang babala ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa sinumang magtatangkang guluhin ang 2025 Midterm Elections sa Mayo.

Ayon kay Gen. Marbil, mananagot sa batas ang sinumang gagawa ng karahasan o pananakot sa panahon ng halalan.

Tiniyak din nitong hindi papayagan ng Pambansang Pulisya na maisakripisyo ang kaligtasan ng publiko dahil lamang sa pansariling interes ng mga pulitiko.


Binigyang-diin ni Marbil na ang pangunahing tungkulin ng PNP ay tiyakin na magiging maayos, patas, at mapayapa ang eleksyon kaya magiging maagap aniya ang PNP sa pagpigil sa anumang uri ng political violence.

Samantala, kahit nakatutok sa seguridad ng halalan, nagpapatuloy ang laban ng PNP kontra kriminalidad, iligal na droga, at iba pang banta sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments