PNP Chief Marbil, nagpatawag ng isang special command conference

Nagdaos ng special command conference ang Philippine National Police (PNP) kahapon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Randulf Tuaño, ipinatawag ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil ang special command conference para pulungin ang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.

Dito, tinalakay ang mga paghahandang ginagawa ng pulisya sa nalalapit na 2025 midterm elections.


Sinabi ni Tuaño na naging maayos sa pangkalahatan ang itinakbo ng special command conference.

Una nang tiniyak ng liderato ng PNP na mananatiling “apolitical at impartial” ang 232,000 myembro ng Pambansang Pulisya sa darating na halalan.

Facebook Comments