PNP Chief, naging emosyonal sa sitwasyon ng kanilang mga tauhan sa Marawi City

Manila, Philippines – Muling nanawagan si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa sa mga police scalawags dito sa Metro Manila na magbagong buhay na.

Ito ay sa harap na rin aniya nang patuloy na sakripisyong ginagawa ngayon ng ilang tauhan ng Phil. National police sa nagaganap na gulo sa Marawi City.

Halos mapaiyak si Gen. Bato habang ikinikwento sa harap ng mga pulis dito sa ginanap na flag raising ceremony ang bilin ng mga pulis na ngayon ay nanatiling ginagamot sa mga ospital sa Lanao at Sulu matapos makipagsagupa sa Maute Group na huwag pababayaan ang kanilang pamilya habang sila ay nakaratay sa ospital at ang ibay patuloy na nakikipaglaban.


Panawagan ni Gen. Bato sa mga police scalawag huwag palaging pera o pagpapayaman ang iisipin sa halip kung paano makakatulong sa publiko katulad nang kanilang sinumpaan sa bayan.

Sinabi pa nya na nais nyang ipadala sa Marawi City ang mga police scalawags na ito.

Kaugnay nito anim na tauhan at opisyal ng PNP ang binigyan parangal sa flag raising ceremony ito ay dahil sa pagpapakita ng kanilang kabayanihan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Kinilala ang mga pulis na ito na sina PO1 Mary Joyce Apada, PSupt. Michael Joun Mangahis, Pc Insp Angelito Dangli Jr,Sr. Insp Jefferson Guillermo, Pc Insp. Jewel Nicanor at SPO1 Lorenzo Mamauag Jr.

DZXL558, Rea Mamogay

Facebook Comments