Monday, February 9, 2026

PNP Chief Nartatez, pinaiimbestigahan ang pagkasawi ng police officer na natagpuan sa loob ng quarters nito sa Davao City

Pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagkasawi ng police officer na natagpuang patay sa loob mismo ng kanyang quarters nitong umaga sa Davao City.

Ayon kay Nartatez, ang nasabing police officer ay may ranggong Assistant Regional Director for Logistics.

Kaugnay nito, inatasan na ni Nartatez ang Regional Criminal Investigation Field office at ang Forensic Group na siguraduhing maimbestigahan ang nasabing insidente.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinakatok ng mga kasamahan nito ang nasabing police officer para sana ilipat ang kanyang sasakyan dahil sa magiging command visit ng chief PNP at nang hindi sumasagot ay pwersahang pinasok ang nasabing quarter.

Dito na nakita ang nasabing police officer na duguan sa isang silya kasama ang kanyang short firearm.

Dinala pa ito sa ospital ngunit idineklara na rin itong dead on arrival.

Naglabas naman ng pahayag ang Police Regional Office (PRO) 11 ng lubos na pakikiramay sa pamilya ng nasabing nasawing police officer.

Facebook Comments