PNP Chief Oscar Albayalde, inaming nakaranas ng hazing habang nag-aaral sa PMA

Mismong inamin ni PNP Chief Oscar Albayalde na nakaranas siya ng hazing habang nag-aaral noon sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

Aniya, mismong si retired Major General Isagani Nerez ang kanyang squad leader na nagpatikim sa kanya ng hazing.

Pero hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa retired general dahil para sa kanya nahubog sya sa ganoong paraan para marating ang kanyang kinaroonan ngayon.


Para kay Albayalde, depende sa pagtanggap ng isang tao o kadete ang ginagawang hazing.

Pero ayon kay Albayalde, hindi nya kinokonsinti ang hazing dahil ito ay paglabag sa batas.

Ginawa ni Albayalde ang pag-amin matapos na mamatay sa hazing ang 4th cadet class na si Darwin Dormitorio.

Facebook Comments