PNP Chief Oscar Albayalde, magreretiro na sa October 29

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na mas mapapa-aga ng ilang araw ang kanyang magiging pagreretiro.

 

Ayon kay Albayalde, sa Oktubre 29 ay magkakaroon na ng change of command kung saan pangungunahan ito ng Pangulong Rodrigo Duterte, ang nasabing pagbaba nito sa puwesto ay sampung araw mas maaga kaysa sa kanyang nakatakdang pagreretiro.

 

Dagdag pa ni Albayalde, kapag nakababa na siya sa puwesto ay magbabakasyon na muna siya hanggang sumapit ang kanyang kaarawan sa Nobyembre 8.


 

Samantala, tatlo naman ang pinagpipilian na papalit sa kanyang mababakanteng posisyon, ito ay sina;

 

-PLTGEN. Archie Gamboa, deputy chief for administration, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class of 1986

-PLTGEN. Camilo Cascolan, deputy chief for operations, kaklase ni Albayalde sa PMA class of 1986; and

-PMGEN. Guillermo Eleazar, na nakatakdang gawing directorial staff chief, at miyembro ng PMA class of 1987.

 

Nilinaw naman ni Albayalde na walang direktiba sa kanya ang palasyo kung may nais itong iendorsong pumalit sa kanya.

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments