PNP Chief Oscar Albayalde, Nakatakdang Dumalaw Bukas Para sa Burol ng Napatay na Hepe ng PNP Mallig, Isabela!

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang dumalaw ngayong araw, June 19, 2018 dito sa lalawigan ng Isabela si Police Director General Oscar Albayalde para sa burol ng binaril na hepe na si Police Senior Inspector Michael Angelo Tubaṅa ng PNP Mallig.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Superintendent Mariano Rodriguez, Provincial Director ng PNP Isabela na layunin ng pagbisita ni PDG Albayalde na malaman ang kabuuang pangyayari sa naganap na pamamaril sa hepe ng PNP Mallig.

Nakatakda ring pulungin ng nasabing opisyal ang mga hepe dito sa lalawigan ng Isabela kaugnay sa mga operasyong isinasagawa ng kapulisan kontra iligal na droga.


Dagdag pa ni PD Rodriguez na mas lalo pa nilang paiigtingin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang kampanya kontra iligal na droga maging sa pagsugpo sa iba pang krimen dito sa bansa na kahit sila ay nalagasan ng isang mataas na opisyal ng PNP ay magiging inspirasyon umano nila ito upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.

Facebook Comments