Dalawang Lalaki na Tulak ng Iligal na Droga, Natimbog sa Cabatuan, Isabela!

Cabatuan, Isabela- Natimbog ang dalawang lalaki matapos masamsaman ng Marijuana sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Luna, PNP Cabatuan at PNP Aurora kahapon sa Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela,

Kinilala ang mga nadakip na sina Alvin Tapaoan, nasa tamang, isang estudyante at residente ng Magdalena Cabatuan at si Kelvin Lamog, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Daramuangan, San Mateo, Isabela.

Batay sa iniulat ni Police Senior inspector Prospero Agonoy, ang hepe ng PNP Cabatuan bago umano nahuli si Lamog ay ka-text pa umano nito ang isang informant ng kanilang tropa na nagyayayang humithit ng marijuana habang hinihintay ang kasamang si Tapaoan na bumili ng Marijuana sa Kalinga.


Agad namang tinungo ng tropa ng kapulisan ang naturang lugar matapos mabigyan ng impormasyon at dito naaktuhang humihithit ng marijuana ang suspek dahilan upang dakmain ng mga rumespondeng kapulisan.

Di nagtagal ay nadakip rin ng kapulisan si Tapaoan kahapon matapos bumili ng Marijuana sa lalawigan ng Kalinga na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso.

Tumangging ipagbigay alam ng mga suspek ang kanilang source at ngayon ay Hawak na ng PNP Cabatuan ang mga ito na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments