PNP Chief Oscar Albayalde pinarangalan ni DILG Sec Año matapos ang matagumpay at mapayapang midterm election

Pinarangalan ngayong umaga ni DILG Sec Eduardo Año si PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde sa Flag raising ceremony sa Camp Crame.

Kinilala si Albayalde sa  kanyang papel bilang overall Commander ng Security Task Force 2019, na nagbantay sa nakalipas na May 13 elections.

Naging  mapayapa at maayos ang halalan  dahil sa istriktong pagbabantay ng PNP.


Batay sa datos ng PNP mababa ng 55 porsyento ang naitang election related violent incidents sa 2019 election period kumpara sa 2016 election.

Tinanggap ni Albayalde ang Medalya ng Kapatapatan sa Paglilingkod.

Bukod kay PNP Chief pinarangalan rin si Northern Police District Director BGen Rolando Anduyan.

Si NPD Director Bgen Rolando Anduyan At 9 pang opisyal ay Kinilala naman dahil sa kanilang “conspicuous courage and gallantry in action” sa matagumpay na pakikipaglaban sa Maute Terrorist Group sa Marawi City mula May 23, 2017 hanggang October 17, 2017.

Tinanggap ni Anduyan at nina PCol Danilo Bacas, PLt Col Filmote Abdulsalam Calib, Pcol Rex Arvin Malimban, Plt Col Mario Mayames, Plt Col. Ledon Monte, Plt Col Lambert Suerte, Plt Col Jack Angog, Plt Col Sonnie Omengan At PMaj. Medie Lapangan Jr. ang Medalya ng Kabayanihan.

Facebook Comments