PNP chief, pinatitiyak sa mga police offices na maayos at walang daya ang distribusyon ng cash aid para sa mga lubhang apektado ng pandemya

Inutos ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar sa mga police offices sa buong bansa na siguruhing payapa at maayos na naipapamahagi ang cash aid para sa mga benepisyaryo nito.

Sinabi ni PNP chief na dapat na masiguro ng mga pulis na tumutulong sa pamamahagi ng cash aid na napupunta ito sa tamang benepisyaryo.

Ginawa ni Eleazar ang direktiba matapos na maaresto ang isang barangay chairman at tatlong indibidwal sa Maynila matapos mahuling nagnanakaw ng cash aid.


Gumamit raw ng pekeng Identification cards at pekeng dokumento ang mga ito.

Tiniyak naman ni Eleazar na masasampahan ng kaso ang mga naarestong suspek.

Sa ngayon, pinatitiyak ni Eleazar sa kanyang mga tauhan na hindi na mangyayari pa ang insidenteng ito.

Panawagan nito sa publiko na ireport sa awtoridad kapag may alam sa nangyayaring iregularidad sa distribusyon ng cash aid.

Facebook Comments