Cauayan City – Mahigpit na ipinagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtambay sa mga lansangan upang mabigyan ng seguridad ang karamihan at hindi sa seguridad ng iilan lamang.
Ito ang isa sa binigyan diin ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayande sa ginanap na press conference at pagbisita nito sa burol ng napaslang na hepe ng PNP Mallig na si Police Senior Inspector Michael Angelo Tubaña.
Sinabi pa ni PNP Director General Albayalde na ang paghuli sa mga tambay sa lansangan ay isang alituntunin upang maiwasan ang kriminalidad o anumang krimen sa bansa.
Inihalimbawa ni Albayalde ang ginawang pagsita ng napaslang na si Tubaña sa dalawang arestadong suspek, na kung sakali umano na hindi nasita ay maaring makakabiktima pa ang mga suspek na pumatay sa hepe ng PNP Mallig kahapon.
Samantala, ang paghuli sa mga tambay,nakainom o lasing, at mga walang ginagawa sa lansangan ay kasalukuyan nang isinasagawa ng mga kapulisan sa bansa.