Pnp Chief Ronald “Bato” Dela Rosa – Naging Emosyonal Sa Gitna Ng Senate Hearing

30

MANILA – Naging emosyonal si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Bato Dela Rosa sa pagdinig ng Senado sa pagkamatay ni dating Albuera Mayor Espinosa.Sa pagtatanong ni Senador Migz Zubiri kay Dela Rosa, hindi nito napigilang maiyak kaugnay sa kampanya ng administrasyong Duterte na tapusin ang kalakaran ng iligal na droga sa bansa.Ayon kay Dela Rosa, hindi niya masisi ang publiko sa nangyayaring kontrobersya sa hanay ng pambansang pulisya.Aminado din ito na maging siya ay hindi na alam kung sino ang kanyang pagkakatiwalaan.Anya, ipinagpapasa-Diyos nalang niya ang kanilang sitwasyon sa kagustuhang malinis ang kanilang hanay.Iginiit ng PNP Chief, na gagawin niya ang lahat para tapusin ang giyerang ito ng pamahalaan.Sa pagtatapos ng oras ni Zubiri ay nilapitan nito si Dela Rosa at kinamayan matapos itong maging emosyunal.

Facebook Comments