Mga Pirma Sa Sinasabing Affidavit Ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Hindi Sa Kanyang Ama Ayon Kay Kerwin Espinos

7

MANILA – Mariing itinanggi ng Eastern Visayas Drug Lord na si Kerwin Espinosa na pirma ng kanyang amang si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa ang nasa affidavit nito.Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Kerwin na iba-iba ang sinasabing pirma ng Alkalde sa kada pahina ng affidavit nito.Maging ang abogado ni Mayor Espinosa na si Atty. Lani Villarino ay walang alam nang gawin ng Alkalde ang naturang affidavitSamantala, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, sinabi sa kanya ni C/ Insp. Jovie Espinido na may abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ang nag-assist kay Mayor Espinosa nang kunan ito ng affidavit na siya namang itinanggi ng PAO-region 8.Ang magkakasunod na tinig nina Kerwin Espinosa, Atty. Lani Villarino, PNP Chief Dela Rosa at ng abogado mula sa PAO region 8.

Facebook Comments