Manila, Philippines – Dinepensahan ni PNP chief Ronald Dela Rosa ang ginagawang anti-drug operation ng mga pulis.
Sa gitna ito ng mga batikos sa PNP dahil sa dami ng napapatay sa kanilang operasyon kabilang na ang grade 11 student sa Caloocan City.
Tiniyak naman ng PNP Chief na mananagot ang mga pulis sa likod ng operasyon kapag napatunayang hindi talaga nanlaban ang binatilyo.
Nag-sorry rin si Dela Rosa sa mga pamilyang namatayan dahil sa war on drugs.
Samantala, nagsasagawa na ng motu poprio investigation ang PNP-Internal Affairs Service sa mga kaso ng One Time Big Time Operation sa Bulacan, Maynila at pagkakapatay sa grade 11 student sa Caloocan.
Facebook Comments