Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na kumukuwestiyon sa martial law declaration sa Mindanao.
Sa isang ambush interview – sinabi ni Dela Rosa na mahalaga ang deklarasyon ng batas military dahil susi ito sa pagkaka-aresto ng mga miyembro ng Maute Group.
Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na magdeklara siya ng martial law sakaling maulit muli ang kaparehas na insidente ng rebelyon tulad ng sa Marawi.
Gayunman, iginiit ng punong ehikutibo na kanyang aalisin ang tropa ng pamahalaan sa Marawi City sakaling ibasura ng Korte Suprema ang kanyang deklarasyon ng batas militar sa buong Mindanao.
Facebook Comments