PNP Chief Ronald Dela Rosa, may buwelta sa CBCP

Manila, Philippines – Binuweltahan ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Kasunod ito ng pahayag ni Archbishop Socrates Villegas na may mga pulis na humingi ng proteksyon sa simbahan para ibunyag ang kanilang nalalaman sa Extra Judicial Killings sa bansa.

Giit ni Dela Rosa – mas makabubuting iprisenta na lang ng simbahan sa senado ang mga pulis.


Paliwanag pa niya, mas marami kasing mahihirap ang nagbebenta ng droga kesa sa mga drug lord.

Facebook Comments