PNP Chief Ronald Dela Rosa, pinakalma ang publiko hinggil sa naglutangang mga banta ng terorismo sa bansa

Manila, Philippines – Pinakalma bagama’t ayaw maging kampante ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang publiko sa naglutangang mga banta ng terorismo sa bansa.

Ito’y matapos na mahigit isang buwan na ang pagtugis ng Armed Forces of the Philippines laban sa mga miyembro ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)-Maute na nakatago sa ilang bahagi ng Marawi City, Lanao Del Sur.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag nang nagbanta naman ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na aatakehin nila mismo si Pangulong Rodrigo Duterte matapos kasunod ng kanilang panggugulo sa Pigcawayan, North Cotabato.


Sinabi ni Dela Rosa na dapat maging alerto lamang ang publiko at huwag matakot sa mga banta ng anumang grupo dahil tuluyang ikakatalo nila ito kung pahihintulutang mangyari.

Una nang tiniyak ng PNP Chief nasa kontrol pa rin ng gobyerno ang sitwasyon ng bansa kahit nanggugulo ang mga terorista sa Marawi City.

Facebook Comments