PNP Chief, tiniyak na makatatanggap ng COVID hazard pay ang mga pulis

COURTESY: PNP

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan na makatatanggap ng COVID hazard pay ang mga pulis na nag-duty sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ mula June 2020.

Sinabi ni General Cascolan na batay sa Administrative Order No. 26 na may petsang March 23, 2020 na nakasaad ang pagbibigay ng COVID hazard pay sa mga empleyado ng gobyerno na pisikal na nag-duty sa panahon ng ECQ.

Aniya, nag-isyu na rin si Acting Director for Personnel and Records Management, Police Brigadier General Rolando Hinanay ng direktiba noong September 15, 2020 na nag-aatas sa lahat ng PNP units at offices na magsumite ng kanilang COVID-19 Hazard Pay claims.


Siniguro pa ni Gen. Cascolan na maliban sa pagbibigay ng hazard pay, pinapangalagaan ng liderato ng PNP ang kapakanan ng mga pulis sa pamamagitan ng “enhanced medical system” at “supportive healthcare”.

Facebook Comments