PNP-CIDG, may imbestigasyon na kaugnay sa pamamahagi ng Ivermectin ng dalawang kongresista sa Quezon City

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa ginawang pamamahagi ng Ivermectin nina Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor at Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta sa Quezon City kamakailan nang wala umanong maayos na reseta mula sa doktor.

Ayon kay CIDG Director Major General Albert Ignatius Ferro, una nilang inaalam ngayon kung may kaukulang dokumento ang mga ipinamigay na Ivermictin mula sa mga legitimate compounding laboratories.

Pangalawa, aalamin nila kung mayroong prescription mula sa legitimate doctors ang mga tumatanggap ng Ivermectin.


Ang dalawang ito aniya ay dapat nilang maimbestigahang mabuti dahil ito ang guidelines na ibinigay sa kanila ng Food and Drug Administration (FDA) para sa pagsasagawa ng law enforcement actions.

Giit ni Ferro, tanging authorized compounding laboratories lamang ang maaaring mag-produce ng Ivermectin at kinakailangan ng prescription ng doktor bago ito ibigay sa pasyente.

Facebook Comments