Mayroon na lamang hanggang ngayong hapon ang PNP-CIDG para magsumite ng karagdagang impormasyon sa DOJ Panel kaugnay ng sedition case na isinampa nito laban sa grupo ni VP Robredo kaugnay ng “Project Sodoma.”
Mamayang hapon magtatapos ang 24-oras na binigay ng DOJ para sa pagtalima ng PNP-CIDG sa nasabing kautusan.
Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mark Perete, hindi magawang makapagpadala ng panel ng subpoena sa mga pinangalanang respondents sa reklamo ng PNP-CIDG dahil kulang-kulang ang mga address ng mga ito.
Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng DOJ ang pagbuo ng isang special panel of prosecutors na tututok sa paghawak sa imbestigasyon sa kaso laban kina VP Leni Robredo, dating Sen. Antonio Trillanes, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila De Lima, ilang mga tao ng simbahan at ilan pang mga taga-oposisyon.