Wala umanong ipapatupad na holiday break sa mga kawani ng Dagupan City Police Station.
Ito ay upang pagsisiguro sa kaligtasan ng Dagupeño at kaayusan ng lungsod ngayong Holiday Season.
Sa pahayag ni Dagupan City PS Chief, PLtCol Brendon Palisoc, inaasahan ang pagdoble o pagtriple ng mga bibisita sa lungsod lalo na sa mga matataong lugar tulad ng malls, baratilyo, bus terminals, beach at ilan pang pook pasyalan.
Nauna nang isinaad ng pambansang pulisya na KANSELADO ang leave ng mga kapulisan sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









