PNP DAGUPAN HINDI IKINATUWA ANG BILANG NG MGA NAAARESTONG LUMALABAG SA HEALTH PROTOCOLS SA LUNGSOD

DAGUPAN CITY – Hindi ikinatutuwa ng Dagupan PNP ang bilang ng kanilang mga naaaresto na lumalabag sa health protocols na umiiral sa lungsod.

Ayon kay PLTCOL Louise Benjie Tremor, ang hepe ng Dagupan PNP, umaabot na sa 1, 200 na mga indibidwal ang kanilang naaresto mula Enero hanggang April 22, 2021.

Sa loob ng ng apat na buwan ay nakapagsagawa na ang nasabing hanay ng 155 na operasyon na kung saan 21 na katao ang nahuling lumabag sa non-wearing of facemask, 1, 046 naman sa non-wearing of face shield, at 126 sa social distancing at curfew hours.


Samantala, panawagan naman ng Dagupan PNP sa mga barangay officials na tumulong sa pag-iimplementa ng mga health protocols.

Facebook Comments