PNP Director General Oscar Albayalde, Bibisita sa Lungsod ng Tuguegarao!

Nakatakdang bibisita sa lungsod ng Tuguegarao si PNP Chief Director General Oscar Albayalde bukas, Hunyo 1, 2018.

Sa imbitasyon na ipinaabot sa RMN Cauayan ni Supt. Chevalier Iringan, ang Information Officer ng PNP Region II, napag-alaman na ang pagbisita ay siyang kauna-unahang Command visit sa Police Regional Office 2 (PRO2).

Sasalubungin siya ng isang arrival honor bandang alas nuwebe ng umaga sa pangungunan ni PRO2 Regional Director PCSupt. Jose Mario M. Espino Jr.


Papangunahan rin ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pagpapasinaya sa bagong gusali ng Tuguegarao City Police Station bandang alas diyes y medya ng umaga bukas.

Nakatakda rin siyang makipag-ugnayan sa mga local na mamamahayag pagkatapos ng inagurasyon.

Facebook Comments