Narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang 102 milyong pisong halaga ng shabu mula sa isang arestadong drug suspek sa Baesa Road, Kalookan City.
Sa ulat ng PDEG kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, kinilala ang suspek na si Randy Rafael alyas “RR”, 42 anyos, na residente ng Pasay City.
Nakuha sa ikinasang joint buy-bust operation ng PDEG at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang 15 “Chinese teabag” na naglalaman ng kabuuang 1 kilo ng shabu.
Batay sa imbestigasyon, ang suspek ay nagtratrabaho para sa isang Chinese drug personality na kilala lang sa alyas na “Lim”, na distributor ng droga sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit lugar.
Kaugnay nito, utos ni Gen. Carlos sa PDEG na sikaping mahuli si alyas “Lim” nang sa ganu’y mabuwag ang kanilang operasyon.