PNP, dumepensa sa pahayag ni Senator Trillanes na pinaka-delikadong lugar sa buong bansa ang Davao City

164

Manila, Philippines – Gumagawa lamang ng sariling statistics si Senador Antonio Trillanes sa pahayag nitong Davao City ang pinaka delikadong lugar sa Pilipinas.

Ito ang matapang na sagot ni PNP Directorate for Operations Police Director Camilo Cascolan.

Aniya batay sa kanilang record January 2017 pang-apat ang lungsod ng Davao sa may pinakamaraming kaso ng murder o pagpatay habang pang anim sa maraming kaso ng panggagahasa.

Sinabi pa ni Cascolan na tama rin ideklarang persona non grata si Senator Trillanes sa Davao City.

Ito ay dahil sa mga fake news na pinagsasabi nito patungkol sa Davao City ang lugar ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi raw nila alam ngayon kung ano ang motibo ng senador sa mga pahayag nito.

Mensahe naman ni Cascolan kay Trillanes na kung gusto nitong humingi ng mga datos sa PNP ay bibigyan nila ito.

Facebook Comments