WAGI | Ceres Negros FC tinambakan ang Boeung Ket ng Cambodia, 9-0

25

Sports – Inilampaso ng Ceres Negros FC ang Boeung Ket ng Cambodia, 9-0 para buksan ang kanilang kampanya sa 2018 Asian Football Confederation (AFC) Cup sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Umiskor ng brace sina Takumi Uesato, Bienvenido Marañon at OJ Porteria habang nag-ambag ng tig-iisang goal sina Manny Ott at team captain Carlie De Murga para walisin ang mga bisitang Cambodian champions.

Isang own goal naman Boeung Ket defender Sun Sovanrithy sa second half ang lalo pang nagbaon sa mga Cambodian.

Ito ang ikalawang 9-0 result naitala sa kasaysayan ng AFC Cup. Bago ang Ceres Negros FC, una itong nagawa ng Nasaf Qarshi ng Uzbekistan matapos nitong walisin ang Dempo ng India sa parehong iskor nong 2011.

Facebook Comments