PNP, dumistansya sa panukalang pagsuspinde ng Amerika ng mga tulong sa AFP at PNP

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na malaki ang nai-ambag ng pagsasabatas ng Anti-Terrorism Act para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.

Ito’y sa harap na rin ng banta ng United States (US) Congress na itigil muna ang mga ibinibigay na tulong pangseguridad sa Armed Forces of the Philippines at PNP dahil umano sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Ysmael Yu, sa kabila na gusto nilang dumistansya sa nasabing usapin, sinabi nito na ang mga natatanggap nilang tulong sa Amerika ay ipinagpapasalamat bilang bahagi ng pakikiisa sa ibang mga bansa.


Paliwanag na lamang ni Yu na kahit huli nang naipasa ang Anti-terrorism Act sa Pilipinas, malaki pa rin ang maitutulong nito para mabawasan ang panic at takot ng mga Pilipino dahil sa terroristic activities.

Nanatili aniyang committed ang PNP sa pagprotekta sa komunidad at pagsasagawa ng mga hakbang para tuluyan nang matigil ang terorismo.

Facebook Comments