PNP-Firearms and Explosives Office, bineberipika kung sino ang may-ari ng mga baril na narekober sa mga Parijinog

Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP kung kanino nakarehistro ang mga baril na narecover sa raid sa mga tahanan ng mga Parojinog sa Ozamiz City.

Ayon Kay FEO director Ssupt. Val Deleon, 9 na armas ang itinurn over ng CIDG sa kanilang tanggapan for verification.

Ang mga baril na ito ang subject ng anim na search warrant na isinilbi ng mga operatiba ng CIDG 10 at Ozamiz PNP sa mga Parijinog na nauwi sa madugong enkwentro na ikinasawi ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at 15 iba pa.


Batay sa records ng FEO, may 14 na firearms na nakarehistro kay Mayor Parojinog at 13 sa mga ito ang una niya nang isinuko sa PNP noong Agosto ng nakaraang taon, kaya may naiwan pang isa sa mayor.

Pagkatapos nito, nag-acquire ng 2 panibagong firearms ang Mayor.

Ipinaliwanag ni De Leon na matapos ma-revoke ang lisensya ng mayor na mag-ari ng baril noong nakalipas na taon, wala na itong karapatan na magkaroon ng anumang klaseng armas, at kailangang isuko lahat ng natitira nitong baril.

Ang pagsilbi ng search warrant sa mga Parojinog ay may kinalaman sa kasong illegal possession of firearms na isinampa laban sa kanila.

Facebook Comments