PNP, hahabulin ang mga nagpapakalat ng fake news

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media.

Sa Inter-Agency Task Force (IATF) Press briefing sa Malakanyang sinabi ni PNP Chief General Archie Gamboa na inatasan na niya ang Anti-Cybercrime Group para tugisin ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news.

Ang tugon ni Gamboa ay makaraang mag viral sa social media ang balita na may nagaganap umanong massive looting sa Manila bunsod na ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.


Ayon kay Gamboa, mahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 10951 ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon.

Hindi rin, aniya, nakakatulong ang mga ito lalo pa’t nasa krisis ang bansa dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sinabi rin nito na magsasampol sila upang madala ang mga nagpapakalat ng fake news.

Facebook Comments