PNP, handa kung itataas ang alert level sa NCR

52

Handa ang Philippine National Police (PNP) sakaling itaas pa ang umiiral na alert level sa Metro Manila dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, nakahanda na sila sa anumang recalibration ng kanilang security plan.

Aniya, inatasan na niya ang kaniyang mga tauhan na alamin ang mga guidelines sa ilalim ng Alert Level System.


Sa kaling itaas sa Alert Level 4 ang ilang lugar sa bansa, ipagbabawal ang paglabas ng mga edad 18 pababa at 65 pataas, mga buntis, may karamdaman at tanging mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) lamang ang papayagan sa interzonal travels.

Muli ring lilimitahan ang operasyon ng mga negosyo sa mas maliit na kapasidad maging sa mga tanggapan ng gobyerno.

Facebook Comments