Pasok sa ilang paaralan sa NCR sa susunod na linggo, kinansela dahil sa COVID-19

51

Ilang unibersidad at paaralan ang nagkansela ng klase sa Lunes, Enero 10, bilang pag-iingat sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mga paaralang nagsuspinde ng klase mula Enero 10 hanggang 15 ay ang:

• De La Salle University (lahat ng antas)
• De La Salle – College of Saint Benilde ( Manila, Antipolo, Benilde Deaf School, at Benilde Senior High School)
• Miriam College (grade school, high school, SDTEC at MC Nuvali)
• Chiang Kai Shek College (lahat ng antas)


Nagsuspendi rin ng klase mula Enero 10 hanggang 16 ang:

• Polytechnic University of the Philippines (lahat ng antas)

Facebook Comments